Manila, Philippines – Tumaas ng 2.8 percent ang inflation rate ng bansa nitong Hulyo.
Ayon sa Philippine Statistics Authority – epekto ito ng pagtaas ng presyo ng ‘housing and utilities’ kabilang ang tubig, kuryente at gas, transpotasyon, edukasyon at ‘restaurant and miscellaneous goods and services’.
Mas mabilis ito sa 2.7 percent na revised inflation rate na naitala noong hunyo ngayong taon.
Sa kabila nito, tiniyak ng bangko sentral ng pilipinas at ni economic planning Secretary Ernesto Pernia na ang inflation rate ng bansa ay nananatiling ‘manageable’ at pasok pa sa 2-4 percent na target ng pamahalaan.
Facebook Comments