Inanunsyo ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), na posibleng pumalo lamang sa 4.1 hanggang 4.9% ang inflation rate ng bansa ngayong July.
Kasunod na rin ito ng pagbaba sa singil sa kuryente, rollback sa LPG, at ang paglakas ng halaga ng piso.
Ayon sa BSP, nakatulong din ang pagbaba ng presyo ng karne, isda, at mga prutas.
Ito ay bagama’t tumaas ang presyo ng gulay at bigas na nagdulot din ng bahagyang pressures nitong July.
Tiniyak naman ng BSP na patuloy silang nakabantay sa galaw ng presyo ng mga bilihin.
Facebook Comments