Posibleng lumapit sa 3% ang inflation rate ng Pilipinas sa huling bahagi ng 2023 at sa 2024.
Ayon kay Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) Gov. Felipe Medalla, nananatiling malakas ang ekonomiya ng bansa at patuloy itong palalaguin ng pent-up domestic demand.
Dagdag pa ni Medalla, magbabalik na rin sa normal ang inflation sa ikatlong kwarter ng 2023.
Samantala, tumaas naman ang annual inflation sa 8.1% noong Disyembre, na pinakamataas mula noong 2008, mula sa 2% hanggang 4% na target range ng Bangko Sentral.
Tiniyak din ng BSP na gagawin nito ang lahat policy action para maibalik ang inflation sa target.
Facebook Comments