100% na mga tauhan ng NCRPO, tumugon sa panawagang courtesy resignation

Kinumpirma ni National Capital Region Police Office (NCRPO) Chief Jonnel Estomo ang 100 percent na compliance ng lahat ng senior officials ng NCRPO sa panawagang courtesy resignation ng Department of the Interior and Local Government (DILG).

Ginawa ni Estomo ang pahayag kasabay ng pagsasailalim sa surprise drug test sa lahat ng police station commanders sa Metro Manila.

Nanindigan naman si Estomo sa kaniyang babala na sisibakin ang sinomang tauhan nito na babagsak sa drug test.


Una nang nagnegatibo sa drug test ang mahigit 70 generals at colonels ng NCRPO.

Kasabay nito ang paghahain nila ng courtesy resignation.

Facebook Comments