Inflation rate ng Pilipinas para sa buwan ng Hulyo, tumaas!

Manila, Philippines – Bahagyang tumaas ang inflation rate ng bansa para sa buwan ng Hulyo.

Sa datos ng Philippine Statistics Authority (PSA) tumaas ang 2.8 percent ang inflation rate.

Nakaapekto ito sa pagtaas ng presyo ng tubig, kuryente at gas, transportasyon, edukasyon, restaurant at iba pang serbisyo.


Mas mabilis ito sa 2.7 percent na revised inflation rate na naitala noong hunyo ngayong taon.

Tiniyak naman ng Bangko Sentral ng Pilipinas na nananatiling ‘manageable’ ang inflation rate ng bansa.

Facebook Comments