Inflation rate ngayong buwan, posibleng tumaas sa 4.2% – 5%

Posibleng tumaas sa 4.2% hanggang 5% ang inflation rate o presyo ng mga pangunahing produkto at serbisyo ngayong buwan ng Abril.

Ayon kay Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) Governor Benjamin Diokno, kabilang sa makakaapekto sa inflation rate ang mataas electricity rates, presyo ng petrolyo, karne, isda at ibang pang pangunahing pangangailangan ng mga Pilipino.

Pagtitiyak ni Diokno, patuloy na imo-monitor ng BSP ang emerging price developments at magiging epekto nito sa ekonomiya ng bansa.


Ang inflation forecast ng BSP ay inilabas ilang araw bago i-release ng Philippine Statistics Authority (PSA) ang opisyal na inflation figure sa Mayo 5, 2022.

Facebook Comments