Inflation rate nitong Oktubre, walang pagbabago noong Setyembre ayon sa PSA

Nanatili pa rin sa 1.7 percent ang naitalang inflation rate o antas ng pagtaas ng presyo ng mga produkto at serbisyo sa bansa nitong October taong kasalukuyan.

Ayon iyan sa huling inilabas na ulat ng Philippine Statistics Authority (PSA)

Kapareho ito ng naitalang porsyento noong Setyembre habang mas mabagal ito kung ikukumpara sa 2.3% inflation rate na naitala noong Oktubre 2024.

Ayon sa PSA, pangunahing nag-ambag sa inflation ngayong buwan ang housing, water, electricity, gas and other Fuels na may 2.7 porsyentong inflation rate at 34.6 porsyentong bahagi sa kabuuang pagtaas.

Facebook Comments