Manila, Philippines – Inaasahang papalo sa pagitan ng 3.7 hanggang 4.5 percent ang inflation rate nitong Pebrero.
Ayon sa Department of Economic Research (DER) ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), ang mataas na presyo ng produktong petrolyo at kuryente ay nagpataas sa inflation.
Pero tinapatan naman nito ng mababang presyo ng bigas at iba pang produktong agricultural.
Bumaba umano ang presyo ng bigas at iba pang produkto dahil sa paglakas ng piso at mataas na supply.
Tiniyak naman ng DER na tututukan ng BSP ang mga pagbabago sa mga presyo para tiyaking ang monetary policy ay magpapatuloy sa malagong ekonomiya.
Matatandaang pumalo sa 4.4 percent ang inflation rate noong Enero 2019.
Facebook Comments