Malaysian PM Mohamad, bibisita sa bansa sa susunod na linggo

30

Nakatakdang bumisita sa bansa si Malaysian Prime Minister Mahathir Mohamad sa susunod na linggo.

Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA), mananatili sa bansa si Mahathir mula March 6 hanggang 7.

Makipagpulong si Mahathir kay Pangulong Rodrigo Duterte kaugnay ng ekonomiya, politika at iba pang mahalagang usapin ng dalawang bansa

Makikipagkita rin ito kay Senate President Vicente Sotto III at House Speaker Gloria Macapagal-Arroyo

Nauna nang bumisita ang 93-anyos na Prime Minister sa Pilipinas taong 1987 at 1994.

Facebook Comments