Walang naging pag-galaw sa inflation rate noong nakaraang buwan.
Ito ang lumabas sa huling tala ng Philippine Statistics Authority kung saan nasa 4.5 percent ang inflation rate ng bansa na katulad noong Abril.
Kaugnay nito, pasok pa rin ang naitalang inflation sa target ng Bangko Sentral ng Pilipinas kung saan naglalaro sa 4 hanggang 4.8 percent ang kanilang forecast range.
Una nang sinabi ni BSP Governor Benjamin Diokno na nangunguna pa rin sa dahilan ng inflation ang pagtaas ng bilihin kagaya ng mga produktong karne at ang singil sa kuryente.
Pero napigilan naman aniya ito ng pagbaba ng presyo ng bigas at mga gulay at isda.
Facebook Comments