Pagbabakuna ng pamilya ni Aga Muhlach, ipinagtanggol ng DILG

49

Walang nakikitang paglabag si Department of the Interior and Local Government Undersecretary Jonathan Malay,a sa pagbabakuna ng pamilya ng mag-asawang sina Aga Muhlach, Charlene Gonzales at dalawa pa nitong anak.

Sa inilabas ng pahayag ng DILG, sinabi ni Malaya na naglabas na ng pahayag ang lokal na pamahalaan ng Muntinlupa kung saan sinabi nito ng kwalipikado sa bakuna ang pamilya alinsunod sa health protocols.


Itinuturing kasi aniya na bona-fide residents ng Muntinlupa ang pamilya at naka-enrol ang mga ito sa MUNCOVAC registration portal sa ilalim ng A3 category.

Habang paglilinaw pa ni Malaya, nagpasa ang buong pamilya ni Muhlach ng medical certificates at clearance mula sa Asian Hospital and Medical Center na katibayan na mayroon silang comorbidities.

Beripikado naman ito ng Muntinlupa City Health Office kaya hindi dapat ito kwestiyunin.

Facebook Comments