Bumilis ang antas ng pagtaas ng serbisyo at pangunahing bilihin noong nakalipas na buwan Mayo.
Mula sa 4.9% na inflation rate noong April 2022, umakyat ito sa 5.4% noong Mayo 2022.
Ayon kay Undersecretary Dennis Mapa, national statistician at civil registrar general ng Philippine Statistics Authority (PSA) kabilang sa nakapag-ambag sa mabilis na inflation rate ay food at non-alcoholic beverages tulad ng kamatis, karne, baboy, at bangus.
Kabilang din sa nagpataas ng inflation rate ay ang transportation dahil sa mabilis na pagtaas ng gasolina, diesel at pamasahe sa tricycle.
Maging ang alcoholic beverages at tobacco tulad ng sigarilyo, alak, at beer ay nakadagdag din sa inflation rate.
Sa National Capital Region, 4.7% ang naitala noong Mayo 2022 kumpara sa 4.4% noong Abril 2022
Naitala naman ang pinakamataas na inflation rate sa Cordillera Administrative Region na aabot sa 6.9% habang naitala ang pinakamababang inflation rate sa BARMM sa 2.4%.