Kamara, kumpyansa na maipapatupad ang mga batas para sa kalikasan at climate change

48

 

Tiwala si Deputy Speaker Loren Legarda na mapapaigting na ang pagpapatupad ng batas sa bansa kaugnay sa environment at climate change.

Kasunod ito ng pagpapatibay ng Kamara sa House Resolution 2605 na naghahayag ng panawagan ng Mababang Kapulungan para sa Climate Justice at pagpapalakas sa implementasyon ng mga Climate Change and Environmental Sustainability Laws sa bansa.

Giit ng kongresista, patuloy na dapat bigyan ng ngipin, ang nasa sampung landmark environmental laws ng bansa upang matiyak ang climate-resilient, sustainable, green, at regenerative economy lalo na para sa vulnerable sector ng Pilipinas.


Bahagi rin ng resolusyon ang pagbuo sa isang accountability mechanism for climate change at Loss and Damage Fund.

Hinihikayat din nito ang pagpapalakas sa hakbang ng pamahalaan upang makamit ang nilalaman ng Paris Agreement.

Facebook Comments