INFLATION RATE | Paninisi ni PRRD sa US, bunga lamang ng sobrang pagod

Tinawanan lamang ng research think tank na IBON ang pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na kasalanan ni US President Donald Trump kung kaya at may 6.4 percent na inflation rate ang bansa na itinuturing na pinakamataas sa nakalipas na siyam na taon.

Sa Saturday news forum sa QC, sinabi ni Sonny Africa Executive Director ng IBON Foundation, malayo sa lohika ang katwiran ni Duterte.

Aniya, ang isyu ng taripa ay sa pagitan lamang ng US, China at European countries at hindi damay dito ang Pilipinas.


Ang sangkot aniya rito ay produkto ng US at hindi ng Pilipinas kaya malayo sa reyalidad ang pahayag ng Pangulo.

Aniya, self-inflicted ang bagsak na produksyon ng agrikultura sa bansa dahil sa palpak na patakarang pang ekonomiya ng mga economic managers ng Duterte Administration.

Facebook Comments