Posibleng maglaro sa pagitan ng 4.2% hanggang 5% ang inflation rate sa bansa para sa buwan ng Marso.
Ito ay matapos sumipa sa 4.7% ang inflation rate noong buwan ng Pebrero.
Batay sa inilabas na pahayag ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), ang pagbaba ng inflation rate ay bunsod ng mababang presyo ng pangunahing bilihin,mababang adjustments sa Meralco rates at price cap sa mga binibentang karne.
Kasabay nito, inihayag ni BSP Governor Benjamin Diokno na inaasahang mataas pa rin ang inflation rate hanggang sa mga susunod pang buwan.
Matatandaang una nang sinabi ng BSP na mananatili sa 4.2% ang inflation rate sa bansa at bababa na sa 2.8% sa taong 2022.
Facebook Comments