Posible pa umanong tumaas ang inflation rate ngayong Disyembre.
Ayon sa Philippine Statistics Authority o PSA, mas marami ang mga bumibili ng iba’t ibang produkto sa panahong ng Kapaskuhan.
Dahil dito maaring magresulta ito sa kakapusan ng suplay ng mga produkto.
Umangat ang inflation rate sa 1.3% nitong Nobyembre kumpara sa naitalang 0.8% noong Oktubre.
Dulot naman ito ng pagtaas ng presyo ng sigarilyo at mga alak dahil sa dagdag na tobacco excise tax na ipinatupad ng gobyerno.
Nakadagdag din sa pagtaas ng inflation rate ang dagdag singil sa mga produktong petrolyo, upa sa bahay, dagdag singil sa kuryente at tubig.
Mayroon ding pagtaas sa singil sa mga medical health services na mayroong 6.1%, hospital services na 3.5% at specialized medical services na 0.5%.
Ang National Capital Region (NCR) ang may mataas na inflation rate na nasa 1.5% habang nasa 1.2% lamang ang ibang rehiyon.