Ilang parte ng nat’l road ng San Roque, N. Samar, hindi pa rin madaanan

49

Hindi madaanan hanggang sa mga oras na ito ang bahagi ng national road ng San Roque, Northern Samar.

Matapos itong ma wash out dahil sa pag-apaw ng ilog sa paligid nito dahil na rin ng pananalasa ng bagyong Tisoy.


Sa ulat ng Police Regional Office 8, nasira ang kalsada na nagdudugtong sa bayan ng San Roque papunta sa Pamplona, Northern Samar.

May mga nagbasakan ring mga puno ng niyog sa paligid ng national road, indikasyon sa lakas ng alon ng tubig na tumangay sa mga semento ng national road.

Samantala, sinabi naman ni Police Lt. Col. Bella Rentuaya, spokesperson ng PRO-8 na maliban sa San Roque at Pamplona, may kalsada rin na hindi madaanan sa bayan ng Gandara papunta ng Matuguinao sa Samar.

Bukod dito, 5 ang kumpirmadong patay sa Region 8. At isa naman ang patay sa Ormoc City at 4 sa Northern Samar.

May 80 namang nasaktan sa Samar, Northern Samar at Eastern Samar at mahigit 46,000 indibidwal ang inilikas.

Facebook Comments

From Advertisers