Inflation rate, posibleng bahagyang tumaas sa Nobyembre at Disyembre

Nagbabala si House Committee on Ways and Means Chairman at Albay Rep. Joey Salceda na maaari pa ring tumaas ang inflation rate sa mga susunod na buwan.

 

Ayon kay Salceda, inaasahan pa ang pagtaas ng inflation sa Nobyembre at Disyembre na maaring pumalo sa 1.2% at 1.9%.

 

Paliwanag ni Salceda, ito ay bunsod ng epekto ng aksyon ng Bangko Sentral ng Pilipinas na may kinalaman sa policy rates at reserve requirement.


 

Magiging dahilan din ng bahagyang pagtaas sa inflation ang pagbuhos ng gastos ng gobyerno sa pagka-antala ng pagsasabatas ng 2019 budget para maihabol ang mga proyekto.

 

Sa pagtaya naman ng ekonomistang mambabatas, bababa pa sa 0.8% ang inflation rate ngayong Oktubre.

 

Naniniwala naman si Salceda na ang patuloy naman na pagbaba ng inflation rate na 0.9% ngayong Setyembre ay dahil sa rice tariffication law kung saan bumaba ang presyo ng bigas dahil sa maraming suplay.

Facebook Comments