Inflation rate sa buwan ng abril tumaas sa 4.9% ayon sa PSA

Mabilis ang pagtaas ng inflation rate mula buwan ng Marso hanggang Abril.

Ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA) ito ay dahil sa patuloy na pagtaas ng presyo ng kuryente, na may 19.5 % inflation; LPG, na may 33.4 % inflation; at renta sa bahay, na may 1.6 % inflation at mabilis na pagtaas ng presyo ng gulay at iba pa, tulad ng kamatis, na may 14.2 % inflation.

Sa tala ng PSA 4.9% ang inflation sa buwan ng Abril malayo sa 4% nalang noong Marso.


Samantala, sinabi naman ni Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) Governor Benjamin Diokno na posibleng tumaas pa ang inflation sa kalagitnaan ng taon dahil sa nag papatuloy na giyera ng Russia at Ukraine.

Ang pagtaas ng presyo ng langis ay makakaapekto sa presyuhan ng mga produkto sa ibat ibang panig ng bansa.

Facebook Comments