18,000 election frontliners, ipapakalat para magbantay sa araw ng botohan

Mas pinaigting pa ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP) ang inilatag na seguridad para sa nalalapit na Hatol ng Bayan 2022 sa Lunes, May 9.

Aabot sa 18,000 election frontliners na kinabibilangan ng AFP, PNP Coast Guard, Department of Education (DepEd) at iba pang ahensya ng gobyerno ang ipakakalat para direktang mag-ulat sa Commission on Elections (COMELEC).

Ayon kay AFP Chief of Staff Gen. Andres Centino, may rekomendasyon sila sa COMELEC na papanagutin ang mga kandidato na bibigay sa pangingikil ng mga miyembro ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army (CPP-NPA) at National Democratic Front (NDF) para matiyak ang kanilang pagkapanalo.


Sa panig naman ng PNP, sinabi ni PNP Chief PGen. Dionardo Carlos na kasado na ang kanilang National at Regional Election Monitoring and Action Center para bantayan ang mga pangyayari sa bawat panig ng bansa.

Kasunod nito, utos ng mga matataas na opisyal ng AFP, PNP at Coast Guard sa kanilang mga tauhan na panatilihin ang pagiging tapat sa saligang batas nang walang kinikilingan kundi ang taumbayan lang.

Facebook Comments