Inflation rate sa buwan ng Mayo, babagal ayon sa BSP

Inaasahang mas babagal pa ang antas ng pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin at serbisyo para sa buwan ng Mayo.

Base sa projection ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), posibleng maitala ang 4.4% inflation rate nitong Mayo na mas mababa sa 4.5% na naitala noong Abril.

Sabi ni BSP Governor Benjamin Diokno, ang mataas na presyo ng karne, produktong petrolyo at singil sa kuryente ang pinakapinagmulan ng mataas na presyo ngayong buwan.


Pero maaari itong mahatak ng mas mababang presyo ng mga pagkain gaya ng bigas, isda at gulay.

Ia-anunsyo ng Philippine Statistics Authority (PSA) ang May inflation rate sa Biyernes.

Facebook Comments