Bumaba ang headline inflation sa Ilocos Region nitong Pebrero, ayon sa Philippine Statistics Authority o PSA.
Sa datos ng ahensya, nasa 2.5% ang naitalang inflation rate nitong Pebrero, mas mababa kung ikukumpara sa 2.9% na inflation noong buwan ng Enero.
Ilan sa mga nakatulong sa pagpapababa nito ay ang mga sumusunod:
a. Food and non-alcoholic beverages, 3.1 percent;
b. Alcoholic beverages and tobacco, 1.5 percent;
c. Clothing and footwear, 3.3 percent;
d. Furnishings, household equipment and routine maintenance, 2.2 percent;
e. Transport, -0.4 percent;
f. Personal care, and miscellaneous goods and services, 3.9 percent.
Samantala, sa lahat ng lalawigan sa buong Region 1, pinakamataas na nakapagtala ng inflation ay ang Ilocos Sur na nasa 4.2%, sinundan ng La Union sa 3%, Pangasinan sa 2.3% at Ilocos Norte sa 1.3%. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨