Inflation rate sa Pilipinas para sa Setyembre, posibleng maglaro sa 6.6 hanggang 7.4 ayon sa BSP

Posibleng maglaro sa 6.6 hanggang 7.4% ang inflation rate o ng Pilipinas para sa buwan ng Setyembre.

Ito ang inihayag ng Department of Economic Research ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) kung saan mas mataas ito sa 2 hanggang 4% na target ng gobyerno.

Ayon sa BSP, nakaapekto sa inflation nitong nakaraang buwan ang pagtaas singil sa kuryente at ang ppagtaas ng presyo ng gma pangunahing bilihin.


Malaki ring bagay aniya ang patuloy na paghina ng palitan ng piso kontra dolyar kung saan naabot nito ang 59 peso mark sa intraday trading nitong Miyerkules.

Posible namang makatulong sa pagbaba ng inflation ang pagbaba sa presyo ng oil at meat products.

Nitong Agosto ay pumalo sa 6.3% ang inflation rate ng bansa.

Facebook Comments