Alex Eala, natapos na ang kampanya sa W60 Templeton tournament sa California

72

Natapos na ang kampanya ng Pinay Tennis player na si Alex Eala sa W60 Templeton tournament.

Ito ay matapos siya patumbahin ng No. 7 seed na si Katarzyna Kawa ng Poland sa second round ng tournament sa score na 6-2, 4-6 at 0-6.

Mababatid na nanguna si Eala sa first set ngunit nakabawi si Kawa sa second set at naipagpatuloy ito hanggang sa third set.


Mababatid na naipanalo ni Eala kamakailan ang US Open girls’ single championship at naging wildcard sa ITF Women’s World Tennis Tour.

Facebook Comments