INFORMAL SETTLERS | 30 bahay sa Talayan, Qeuzon City, giniba na

Matapos ang limang taong negosasyon, tinuluyan nang gibain ng demolision team ang nasa 30 mga bahay ng mahigit 100 pamilya sa Talayan Village.

Nasa 200 miyembro ng demolition team ang ipinadala ng Quezon City government sa naturang informal settelemt.

Sa umpisa, nagmatigas pa ang mga residente dahil hindi raw sila nabigyan ng kumpletong proseso bago ang demolisyon.


Handa naman daw silang magpa-relocate pero ayaw nila sa Morong, Rizal dahil malayo ito sa kanilang hanapbuhay.

Pinabulaanan naman ng pasig river rehabilitation commission ang reklamo ng mga residente na hindi kumpleto ang ginawa nilang konsultasyon.

Nagmatigas lang talaga anila ang mga residente kaya inabutan na sila ng petsa ng demolisyon na ianunsyo nila noon pang nakaraang linggo.

Itinuturing na danger zone ng prrc ang lugar dahil malapit ito sa san Francisco river na nakakonekta sa ilog Pasig.

Facebook Comments