Tuesday, January 27, 2026

Informal settlers, mag-iisang buwan ng nagkakampo sa harapan ng Mendiola bridge

Manila, Philippines – Bukas ay eksaktong isang buwan nang nagkakampo sa Mendiola Bridge sa Maynila ang ilang mga informal settlers na pinaalis mula sa Manggahan Floodway, Pasig City.

Matatandaan na Oct. 25 nang magsimula magtayo ng mga tolda sa harapan ng Mendiola bridge ang mga nawalan ng tahanan sa Mangagahan Floodway Pasig City.

Ayon kay Kadamay President Bea Arellano, hindi na sila aalis sa kanilang isinagawang pagkakampo hangagat hindi sila kinakausap ng mga opisyal ng Malakanyang at mabigyan ng katugunan ang kanilang hinihinging pabahay sa gobyerno.

Paliwanag ni Arellano wala ni isa mang mga opisyal ng Duterte Administration na kumausap sa kanila para alamin ang kanilang mga problema.

Facebook Comments