INFORMAL TALKS | Pag-atras ng NDFP negotiators, hindi kawalan – DND

Manila, Philippines – Nanindigan ang Department of National Defense (DND) na hindi kawalan ang pagkansela ng pagbabalik bansa ng mga negosyador ng National Democratic Front of the Philippines (NDFP).

Ito ay kaugnay ng planong peace talks sa pagitan ng pamahalaan at NDFP.

Ayon kay Defense Secretary Delfin Lorenzana – desperado na ang mga komunista dahil sa libu-libong miyembro nito ang nagbalik loob na sa gobyerno.


Aniya, epekto ito ng localized peace talks at maging ang ilang programa ng gobyerno.

Kasabay nito, pinalagan ni Lorenzana ang pang-aalipustang pagtukoy ni Communist Party of the Philippines Founder Jose Maria Sison sa AFP at PNP bilang ‘minions’ ng pamahalaan.

Facebook Comments