Informal workers, dapat magkaroon ng registration at database

Inihain ni Senator Sonny Angara ang Senate Bill 1636 o Informal Economy Registration and National Database Act.

Layunin ng panukala na masigurong mabibigyan ng proteksyon at mabilis na makatatanggap ng ayuda sa panahon ng emergency ang mga informal worker.

Halimbawa nito ang mga domestic worker, mga magsasaka, mangingisda, maliliit na online sellers, may maliit na sari-sari store, at mga street vendor tulad ng magtataho, nagtitinda ng fishball at naglalako ng gulay at prutas.


Paliwanag ni Angara, ngayong COVID-19 pandemic ay maraming informal workers ang hindi nabigyan ng tulong pinansyal dahil nahirapan ang mga ahensya ng gobyerno at lokal na pamahalaan na tukuyin ang mga ito dahil hindi sila nakarehistro sa alinmang database.

Aniya, base sa 2008 informal sector survey na isinagawa ng Philippine Statistics Authority (PSA), ay nasa 10.5 million ang mga manggagawa na kabilang sa informal economy habang lumalabas naman sa The Labor Force Survey noong 2017 na tumaas na ito sa 15.6 million.

Facebook Comments