Information and awareness program para sa mga motorist, ipatutupad ng LTO at PNP

38

Bicol, Philippines – Kinakailangang ipaalam muna at bigyang paliwanag ang lahat ng motorista sa buong Bicol region patungkol sa pagpapatupad ng Anti-Distracted Driving Law.

Ito ay dahil aniya hindi pa rin naiintindihan sa ngayon ng mga motorista ang Anti-Distracted Driving Act na naglalayong bigyang-proteksyon ang mga pasahero at motorista mula sa mga aksidente na nangyayari dulot ng paggamit ng cellphone.

Dahil dito, nagsanib-puwersa ang Land Transportation Office o LTO gayundin ang PNP para magbigay muna ng information and awareness program bago magpatupad ng pagmumulta sa mga hindi tutupad dito.
DZXL558

Facebook Comments