Isang Information campaign tungkol sa kasalukuyang pandemya ang inilunsad ng Philippine National Police – Police Community Relations Group (PNP-PCRG).
Ayon kay PCRG Director PBGen. Rhodel Sermonia, ang kampanya ay inisyatibo ni PNP Chief PGen. Debold Sinas.
Layunin nito ay ang pagpapalaganap ng impormasyon sa barangay level tungkol sa iba’t ibang pamamaraan ng pag-iingat sa pagkalat ng sakit sa ilalim ng programang ‘C.A.R.E PNP’ o Coronavirus Awareness Response Empowerment.
Target nito ang pagtuturo sa mga head ng household o magulang kung paano maiiwas ang kanilang mga pamilya sa sakit.
Bahagi rin ng infodemic campaign ang paghihikayat sa publiko na mag-ehersisyo para mapanatiling malusog ang kanilang pangangatawan.
Facebook Comments