Cagayan De Oro – Gagawin muna ng Land Transportation Office o LTO region10 ang information dessimination sa publiko, lalo na sa mga driver, bago ipatupad sa siyudad ng Cagayan De Oro ang Anti-Distracted Law.
Ito ang pahayag ni LTO-10 Regional Director Oscar Salcedo.
Dahil dito, posibleng sa susunod na buwan ang istriktong pagpatupad ng nasabing batas, lalo na ang paggamit ng mga gadgets gaya ng cellphone at tablet habang nagmamaneho ng sasakyan.
Nakiusap naman si Director Salcedo sa publiko lalo na sa mga motorista na sundin lamang ang bagong batas, upang maiwasan na mamultahan.
Layunin ng ADDA na maproteksiyunan ang publiko, laban sa posibleng mangyayaring aksidente sa daan.
Facebook Comments