Information drive para sa climate change, target ilunsad ng Climate Change Commission

Manila, Philippines – Tiniyak ng Climate Change Commission na gagawin nila ang lahat para maipaliwanag sa mga lokal na pamahalaan at sa publiko ang usapin ng Paris Agreement on Climate Change.

 

Sa briefing ni Climate Change Commission Chairperson Veronica Victorino, lumagda na sa isang kasunduan ang may 500 municipal mayors sa bansa bilang pagsuporta sa Paris Agreement on Climate Change.

 

Sinabi din nito na ngayong araw ang pagsalang sa 3rd and final reading sa senado ang Paris Agreement para ito ay maratipikahan.

 

Sinabi ni Victorino na ngayon ay nasa 1,324 bansa na ang nakalagda sa Paris Agreement on Climate Change.

 

Sa ngayon aniya ay target nilang maipaunawa sa ating mga kababayan ang climate change lalo na sa mga kabataan upang maging handa ang mga ito sa anomang epekto ng climate change sa bansa.

Facebook Comments