Manila, Philippines – Hinimok ni Akbayan Representative Tom Villarin ang publiko na umaksyon sa ginawa ng Kamara sa Bicam na tanggalin ang pondo para sa infrastructure projects.
Giit ni Villarin, maaaring maghain ng reklamo sa korte ang mga constituents na apektado sa ginawa ng Kongreso dahil ito ay para sa publiko at hindi naman para sa mga kongresista.
Sinabi ni Villarin na unprecedented at kwestyunable ang pag-withdraw ng mga proyekto dahil ito ay naaprubahan naman na ng dalawang kapulungan sa ilalim ng 2018 budget.
Malinaw aniya na paglapastangan sa demokrasya ang ginawa ng liderato ng Kamara.
Ang hakbang aniya na ito ay nagpapakita ng mala-diktaturyang pamamahala ng House leadership at pagganti sa mga bumabatikos sa Pangulo.
Facebook Comments