Handang makipagdayalogo ang mga kinatawan ng Department of Transportation o DOTr sa mga opisyal ng Lungsod ng Maynila.
Ito ay kasunod nang ginawang courtesy visit ni DOTr Sectetary Arthur Tugade kay Manila Mayor Francisco Isko Moreno Domagoso.
Layon nito na matugunan ang usapin sa Transportasyon sa Lungsod at iba pang mga katungkulan sa pagpalago ng ekonomiya sa ilalim ng isusulong na Infra Projects.
Dahil dito ay personal na nagpasalamat si Moreno sa mga ahensiya ng gobyerno na patuloy na nakikipag-ugnayan sa kanyang Lungsod.
Sa panig ng DOTr, tiniyak ni Tugade na handa ang kanyang tanggapan at Attached Agencies na makipagtulungan sa pakikiisa sa sinasabing bagong Political Will.
Hinikayat din niya si Moreno na huwag bibitaw sa mga inumpisahang pagbabago sa Lungsod.
Kasabay nito ay binanggit ni Tugade ang ilang dahilan ng pagtungo niya sa Maynila gaya ng pagbibigay-pugay sa bagong halal na alklade, pagpapabatid ng mga proyekto ng National Government na tatama sa Maynila na nangangailangan ng easement, permit at iba pa at ang pangatlo ay bigyang anunsiyo sa programa ng DOTr.