Infrastructure spending ng bansa sa first quarter ng 2020, bumagsak dahil sa ECQ

Bumaba sa 12.4% o katumbas ng ₱156.1-bilyon ang nagastos ng Department of Budget and Management (DBM) para sa pagpapagawa ng imprastraktura sa bansa bunsod ng COVID-19 pandemic.

Ayon sa ulat, mula sa 18.3% o katumbas ng ₱35-bilyon nakaraang taon, bumaba ito ng higit 25% na naitala mula Enero hanggang Marso ngayong 2020.

Ang pondo ay nakapaloob sa ₱191.1-bilyon ng Development and Budget Coordination Committee (DBCC) na inilatag nitong Marso.


Facebook Comments