Umabot na sa ₱727.9 billion ang nagastos ng pamahalaan para sa imprastraktura.
Ito ay ng Department of Budget and Management (DBM) mula Enero hanggang Nobyembre ng nakaraang taon.
Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque, mapapabilis nito ang pagbuhay ng local economy sa harap ng pandemya.
Sa kabila ng health crisis, ang actual infrastructure disbursements ng gobyerno ay nahigitan pa ang infrastructure program level.
Pero aminado si Roque na nagkaroon ng delay sa pagtatayo ng ilang infrastructure projects matapos magpatupad ang gobyerno ng lockdown noong nakaraang taon.
Muling umusad ang “Build Build Build” program nang luwagan ng gobyerno ang movement restrictions.
Facebook Comments