Ayon sa tala ng Region 1 medical center sa Dagupan City, tumaas ng 77% ang kaso ng suspected Dengue na kanilang naitala sa naturang ospital, mas mataas ngayong Agosto kaysa nung nakaraang Hulyo. Mula sa 272, umabot na sa 349 cases at karaniwang mga bata edad lima (5) hanggang siyam (9) na taong gulang ang tinamaan nito.
Dahil sa 81 suspected dengue cases sa Dagupan city, Nanguna ito sa top 5 na lugar sa Pangasinan na may pinakamataas na suspected dengue cases. Sunod ang Managladan na may 50 cases, San Fabian na may 34, Binmaley na may 29 at Manaoag na may 21 na kaso.
Samantala, sa Calasiao Pangasinan, hinihiling na ng mga residente na magsagawa ng fogging sa kani kanilang lugar dahil narin sa mahigit isang buwan na baha dulot ng habagat na nag iwan ng maruming paligid na pinamumugaran ngayon ng mga lamok. Subalit ayon sa Municipal Health office ng Bayan, at ng mismong Provincial health office, hindi pa advisable na magsagawa ng fogging sa Pangasinan dahil wala pa naman daw Dengue Outbreak.
INGAT IDOL | Kaso ng Dengue sa Pangasinan, tumaas!
Facebook Comments