INIHAHANDA NA | Groudbreaking ng Marawi rehabilitation, aarangkada na

Marawi – Inihahanda na ang groundbreaking para sa rehabilitasyon ng Marawi City sa October 17.

Ito ang kinumpirma ni Task Force Bangon Marawi Head, Sec. Eduardo del Rosario.

Ayon sa kalihim – aabot sa 75 million pesos ang kontrata sa isang kumpanya na gagawa ng debris clearing sa anim na ektaryang bahagi ng lupain doon.


Una nang sinabi ni del Rosario na posibleng umabot sa ₱86.5 billion pesos ang kabuoang pondo para sa rehabilitation, recovery, reconstruction ng Marawi.

Kabilang na rito ang 20 bilyong pisong nakalaan para sa mga residenteng nawalan ng tirahan.

Facebook Comments