PINAG-RERESIGN | Mga pulis na tatakbo sa 2019 elections, pinagbibitiw na ng PNP

112

Manila, Philippines – Pinagbibitiw na ng Philippine National Police (PNP) ang mga pulis na nais kumandidato sa nalalapit na 2019 midterm elections.

Ayon kay PNP Spokesperson, C/Supt. Benigno Durana – ikukunsidera silang resigned na sa serbisyo.

Dagdag pa ni Durana – masasayang lang kung hindi magbibitiw ang pulis dahil madidiskwalipika lang din ito kapag nanalo sa pwesto at hindi rin makakabalik sa serbisyo.

Samantala, binubuo na rin ng PNP ang security plan para sa halalan sa susunod na taon.

Facebook Comments