SUGATAN | Nanalong kagawad sa brgy. Culandanum Bataraza Palawan, pinagbabaril

Palawan – Sugatan ang isang nanalong Barangay Kagawad sa Barangay Culandanum, Bataraza Palawan matapos na pagbabarilin sa mabundok na bahagi ng Brgy. Culandanum kaninang umaga.

Kinilala ang biktima na si Viscay Pillar residente ng Sitio Matugnao Barangay Culandanum Bataraza Palawan.

Si Pillar ay pang pitong kagawad na nanalo sa halalan kahapon.


Ayon kay PNP MIMAROPA Spokesperson Supt Imelda Tolentino, sakay ng kanyang motorsiklo ang biktima pauwi nang kanilang bahay pero pagsapit sa mabundok na bahagi sa lugar o limangpung metro ang layo mula sa kanyang bahay ay pinagbabaril ang biktima nang hindi pa matukoy na suspek.

Nagtamo sya ng tama ng bala ng baril sa kanilang kaliwang hita, na agad naisugod sa Sagrado Hospital in Brooke’s Point, Palawan at ngayon patuloy na nagpapagaling.

Nagpapatuloy ang imbestigasyon ng pulisya upang matukoy ang responsable sa pamamaril.

Facebook Comments