INIHAIN | Makabayan bloc, naghain ng panukala para bigyan ng Filipino citizenship si Australian missionary Patricia Fox

Manila, Philippines – Inihain ng Makabayan bloc ang house bill 7806 na layong bigyan ng Filipino citizenship ang Australian nun na si Sister Patricia Fox.

Ayon kay Bayan Muna Representative Carlos Zarate, dapat ma konsidera nang mas Pilipino pa si Sister Pat na 27 taon nang namamalagi sa bansa dahil siya ay nasa interes ng mga mamamayang mahirap.

Ikinatuwa naman ng madre ang isinusulong ng Makabayan bloc na Filipino citizenship para sa kaniya pero duda siyang maipapasa ito.


Paglilinaw pa ni Sister Pat, hindi politikal ang pakikiisa niya sa mga demonstrasyon dahil parte raw ito ng kaniyang pagtulong.

Nag-ugat ang deportasyon ni Fox matapos siyang ipaimbestigahan ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Bureau of Immigration (BI) ang umano ay “disorderly conduct” ng madre.

Facebook Comments