Manila, Philippines – Iniligaw umano ng Mindanao Islamic Telecom o Mislatel Consortium ang publiko at ang Department of Information and Communication Technology o DICT sa hindi pagsasapubliko sa exclusive contract nito sa iba pang kompaniya.
Ito ang ipinahayag ni dating Ilocos governor Chavit Singson na personal na naghain ng motion for reconsideration sa NTC kaugnay sa pagdiskuwalipika sa kanila bilang 3rd Telco.
Ayon kay Governor Luis Chavit Singson , ang ginawa ng mislatel ay walang pagkakaiba sa misrepresentation na isang malinaw na paglabag sa bidding rules.
Tinukoy ni Singson sears na ang mislatel ay bawal makipagpartner sa udenna o sinumang kompaniya dahil sa may obligasyon ito sa digiphil.
Ang digiphil ay konektado sa sears telecoms-lcs group of companies-tiersone consortium.
Hindi anila ito isinapubliko ng mislatel at nakipagpartner pa sa undenna at sumali pa sa bidding para sa ikatlong telcos ng bansa.
Dahil sa ginawang pagpasok sa ibang kontrata ng mislatel kahit na tali na ito sa exclusive contract sa digiphil ay wala umano silang magagawa kungdi ang gumawa ng legal na hakbang laban sa Mislatel.
Kasunod nito, bitbit ang nga tsekeng 700 million pesos bilang performance security na patunay na mayroon silang kapasidad para maging third telco ng bansa.
Dumating din ang PT&T na naghainndin ng apela sa NTC.