Pangulong Duterte sa mga Aklanon: Iboto si Mar Roxas sa darating na halalan

982

Aklan – Walang nakikitang problema si Pangulong Rodrigo Duterte kung iboboto ng mga Illongo o mga taga Aklan si dating Secretary Mar Roxas.

Ito ang binanggit ni Pangulong Duterte sa kanyang pagsasalita sa Boracay matapos ang pagbibigay niya ng mga land titles sa mga katutubo doon.

Nabanggit ito ni Pangulong Duterte dahil sa kanyang pagbanggit kay dating General Marcelo Garbo na una na niyang iniugnay sa operasyon ng illegal Drugs na senior aide naman aniya nit Roxas.

Sinabi ng Pangulo sa mga Ilonggo, iboto ng mga ito si Roxas dahil wala naman aniyang problema dito dahil ang aide nito ang may problema at humawak sa iligal na droga sa Visayas.

Binaggit pa ng Pangulo na subukan ulit itong si Roxas para makita ito ng Publiko at sinabi din nito na makikita lamang ang stamina ng isang tao sa paggawa ng isang partikular na aktibidad para sa kanyang mamamayan.

Facebook Comments