Inihandang relief items ng pamahalaan para sa mga apektado ng bagyong Tisoy posibleng kulangin ayon sa NDRRMC

 

Malaki ang posibilidad na kulangin ang inihandang relief items ng gobyerno sa harap ng patuloy na pananalasa ng bagyong Tisoy.

 

Ayon kay National Disaster Risk Reduction And Management Council o NDRRMC Spokesperson Mark Timbal  sa lawak ng sakop ng bagyo ay kakailanganin ng mga apektadong rehiyon ang ayuda mula sa national government.

 

Pero magkakaroon naman aniya ng access sa calamity funds ang mga probinsyang magdedeklara ng state of calamity at may nakalaang  pondo pa ang DSWD at NDRRMC.


 

Paliwanag ni timbal, ang importante ngayon ay maagang nakapaghanda ang local government units at naka-standby agad ang relief goods sa mga inilikas na residente.

 

Batay sa huling monitoring ng NDRRMC umaabot na sa mahigit 57,000 families ang lumikas sa Bicol Region, Eastern Visayas, CALABARZON at MIMAROPA.

Facebook Comments