Manila, Philippines – Inihayag ng Palasyo ng Malacañang na naguugnayan na ang Department of Foreign Affairs at ang mga counterpart nito sa Kuwaiti Government para sa pagkikita nila Pangulong Rodrigo Duterte at Emir ng Kuwait.
Ito ang sinabi ng Malacañang sa harap narin ng pahayag ni Pangulong Duterte na siya ay pupunta ng Kuwait para pasalamatan ang gobyerno nito dahil sa pagtanggap sa mga kondisyon na kanyang inilatag para mapangalagaan ang karapatan at kapakanan ng ating mga kababayang natratrabaho diin partikular ang mga Domestic Helpers.
Ayon kay Special Assistant to the President Secretary Bong Go, posibleng pagkatapos na ng State of the Nation Address o SONA ng Pagulo ang kanyang pagbisita sa Kuwait.
Sa ngayon aniya ay naguusap ang mga kinatawan ng Kuwait at ng DFA para alamin ang availability ng dalawang lider sa kanilang pagpupulong.
Sinabi ni Go na desedido na ang Pangulong Duterte na makausap ang Emir ng Kuwait para personal na magpasalamat dito matapos pagbigyan ang kanyang mga kondisyon.
Dagdag pa ni Go, bukod sa pakikipagpulong sa Emir ng Kuwait ay gusto ding makita ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kalagayan ng mga OFW sa Kuwait.