Inihayag ng Palasyo ng Malacañang na wala sa kamay ng ehekutibo kung mapapalawig ba ang umiiral na Martial law sa Mindanao.
Ito ang sinabi ng Palasyo sa harap na rin ng rekomendasyon ng Armed Forces of the Philippines (AFP) kay Pangulong Rodrigo Duterte na palawigin pa ang batas military sa Mindanao dahil marami ang sumusuporta dito kasama na ang Commission on Election o Comelec.
Ayon kay Chief Presidential Legal Counsel at Presidential Spokesman Secretary Salvador Panelo, kahit pa katigan o aprubahan ni Pangulong Duterte ang rekomendasyon ng AFP ay ang Kongreso pa rin ang magdedesisyon kung palalawigin ba ito o hindi.
Paliwanag ni Panelo, batay sa saligang batas ay binibigyan nito ang Kongreso ng kapangyarihan na siyang magbigay ng Go signal para sa pagpapatpad ng martial law o extension nito.
Sinabi pa ni Panelo ay ang kailangan lamang gawin ni Pangulong Duterte ay kumbinsihin ang mga mambabatas kung bakit kailangang palawigin ang batas militar sa Mindanao sakaling tanggapin ang rekomendayon ng militar at maging ng Philippine National Police (PNP).