INIHAYAG | TRAIN law at inflation ilan lamang sa pangunahing tinalakay sa naganap na cabinet meeting sa Malacañang

Manila, Philippines – Inihayag ng Palasyo ng Malacañan ang ilan lamang sa mga pinagusapan sa naganap na cabinet meeting kahapon sa Malacañang na pinangunahan ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay Presidential Spokesman Secretary Harry Roque, tumutok ang cabinet meeting sa malalaking issue sa bayan na malapit sa sikmura ng taongbayan.

Sinabi ni Roque na ang pinagusapan ay ang TRAIN Law at inflation rate kung saan ipinaliwanag ng economic managers ang koneksyon ng TRAIN Law at ng inflation rate.


Pero hindi din naman malinaw kung nagkaroon ba ng desisyon ang pamahalaan para amyendahan ang TRAIN Law lalo pa ngayon na maraming mambabatas ang nagsusulong na rebisahin ang nasabing batas.
Sinabi ni Roque na bukod sa TRAIN Law at sa inflation rate ay tinalakay din sa cabinet meeting ang rehabilitasyon ng Marawi City pati na ang land reform sa Boracay Island.

Facebook Comments