INIHIRIT | Muling pagbubukas sa Subic International Airport, iginiit ni Senator Gordon

Manila, Philippines – Muling inihirit ni senator richard gordon ang muling pagbubukas ng Subic Bay International Airport o SBIA kasunod ng pagkaparalisa ng operasyon ng Ninoy Aquino International Airport o NAIA.

Ipinunto ni Senator Gordon na ang delay at kanselasyon sa mga byahe ng eroplano sa naia ay hindi lang sa mga pasahero nakaapekto kundi pati na rin sa kita ng airline companies at turismo.

Paliwang ni Gordon, malaki sana ang naitulong ng SBIA sa pagsalo ng mga nakanselang byahe ng eroplano sa NAIA.


Diin ni Gordon, dapat madaliin ang rehabiltasyon sa SBIA upang maging operational na ito ikalawang bahagi ng taong 2019.

Kaugnay nito ay pinapasimulan na ni gordon sa Department of Budget and Management ang bidiing para sa mga kagamitang kakailanganin para sa SBIA.

Facebook Comments