INIIMBESTIGAHAN | Indibidwal o grupo na nagpakalat ng mga tarpaulin na may kotrobersyal na mensahe, tinutukoy na ng PNP

Manila, Philippines – Iniimbestigahan na ngayon Philippine National Police kung sino o anong grupo ang nagkabit o naglagay ng mga tarpaulin sa mga foot brigde sa ilang lugar sa Metro Manila na may mga katagang “Welcome to the Philippines, Province of China”.

Ayon kay PNP Spokesperson Police Senior Supt Benigno Durana nagdeploy na sila na mga tauhan mula sa kanilang intelligence unit upang matukoy agad ang mga nagkabit ng mga tarpaulin na may kontrobersyal na mensahe.

Aniya tinitingan nila ngayon ay kung ito ba ay may kinalaman sa nalalapit na State of the Nation Address o SONA ni Pangulong Rodrigo Duterte, nalalapit na midterm election at Political Interest.


Sa ngayon kumakalap sila ng impormasyon base sa mga cctv cameras, eye witnesses at ipa pang maaring pagkuhaan ng impormasyon para matukoy ang indibidwal o grupo na may pakana ng aniyay gimik.
Sa kasalukuyan habang iniimbestigahan pa ang insidente nakikita ng PNP na paglabag sa city ordinance ang maaring kaharapin ng mga nagkabit nito.

Facebook Comments