Iniimbestigahang ‘non-operational’ super health centers ng DOH, umakyat na 300 —Sec. Ted Herbosa

Umakyat na sa 300 ang iniimbestigahang ‘non-operational’ na super health centers ng Department of Health (DOH).

Ayon kay Health Secretary Ted Herbosa, 878 super health centers ang pinondohan sa ilalim ng Health Facility Enhancement Program, 500 aniya sa mga ito ang kumpleto na habang nagpapatuloy ang kontruksyon sa 300 at iba pa.

Pero sa inspeksyon ng kagawaran, nadiskubreng hindi nag-o-operate ang 300 mula sa 500 health facilities na inulat na kumpleto na.

Nang tanungin kung anong anomalya, sinabi ni Herbosa na nakikita niyang hamon sa pagbubukas ng mga ito ang kawalan ng suplay ng kuryente at tubig na mandato na ng mga lokal na pamahalaan.

Samantala, iminungkahi rin ng ICI sa Health Dep’t na gumawa ng Citizens Participatory Action upang makapag-report ang publiko tungkol sa nakatenggang super health centers sa kanilang lugar.

Facebook Comments